LEGAZPI CITY – Nagdulot ng pagbaha ang biglaang pag-ulan dahil sa masamang panahon sa iba’t ibang bahagi ng Pioduran, Albay.

Ayon kay Pioduran Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head Noel Ordoña sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, hindi nila inaasahan ang pag-ulan na umabot ng halos isang oras partikular na sa kanilang mga upland barangay.

Agad silang nagsagawa ng clearing operation na kinabibilangan ng paghuhukay at paglilinis ng mga drainage system upang mabilis na humupa ang mga baha na naitala sa kanilang bayan.

Dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan, iniutos na nila sa kanilang mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee na i-alerto ang kanilang mga grupo at paghandaan ang posibilidad na muling bumuhos ang malakas na ulan.

Sinabi ng opisyal na dahil sa pagbaha, nahulog sa kanal ang isang batang babae at nagpasalamat siya sa dahil sa kagandahan ay nakaligtas ang bata at nakalabas sa kanal.

Nangyari ang insidente sa parking area ng mga sasakyang patungo sa probinsiya ng Masbate habang tinatapunan umano ng mga expired na produkto ang nakabukas na kanal kaya nagsagawa sila ng imbestigasyon sa insidente.

Sa kabila ng improvement ng panahon sa kanilang bayan, hindi sila nagpapakampante dahil nakikita nila ang maulap na kalangitan sa kanilang area of ​​responsibilty habang nagpapatuloy ang byahe patungo sa kanilang daungan.

Umapela si Ordoña sa publiko na agad na dumulog sa kanilang ahensya dahil sa panahon ngayon, mas inuuna pa ang pag-post sa social media kaysa pag-uulat sa kanila, kaya kailangan din nila ang tulong ng mga opisyal ng Barangay upang maiparating ang mga reklamo ng kanilang mga nasasakupan.