LEGAZPI CITY-Sinalakay ng mga awtoridad ang isang pinaghihinalaang “Big time drug dealer” sa Bulan Sorsogon kung saan nakumpiska nila ang mahigit P68,000 na halaga ng droga.


Ayon kay Bulan Municipal Police Station Chief of Police Police Lieutenant Colonel Ruel Pedro, sa isang panayam ng Bombo Radyo Legazpi, matagal nang minomonitor ang suspek sa kanyang tirahan.


Isa rin siyang malaking personalidad at itinuturing na operator ng lahat ng ilegal na transaksyon sa bayan.


Aniya, hindi rin ordinaryong uri ng droga ang narekober mula sa suspek.


Sinabi ng hepe na nagbitiw sa kanyang trabaho ang suspek at nagpasyang masangkot sa naturang ilegal na aktibidad.


Dagdag pa ng otoridad na nakatulong din ang impormasyong ibinigay ng mga residente, kung saan agad nilang minanmanan ang lugar at kinumpirma na ang kanyang sariling tirahan ay ginagawang “drug den”.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at inihahanda para sa wastong disposisyon.


Tinitiyak din umano ng mga awtoridad sa bayan na maaaresto ang mga sangkot sa ilegal na droga.