The Bicolano topnotcher in the April 2025 Electrical Engineers Licensure Examination recounts his journey to pass and secure tenth place.

LEGAZPI CITY – Ikwenento ng bicolano topnotcher sa April 2025 Electrical Engineers Licensure Examination ang kaniyang pinag-daanan para makapasa at makapasok sa ika sampung pwesto.


Ayon kay Engineer Mark Angelo Ramirez Importa sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kahit hindi man siya nagtapos ng may Latin Honors ay hindi siya nawalan ng lakas ng loob at ginawa niya ang lahat para pumasa at makabawi sa kaniyang mapait na karanasan noong college.


Hanggang sa ngayon umano ay sobrang saya niya at hindi makapaniwala na isa siya sa mga topnotcher.


Aniya, pagkatapos ng kaniyang graduation noong July 2024, naging puspusan na ang kaniyang pagrereview sa kanilang tahanan bago siya pumasok sa review center.


Sinabi pa nito na nakatulong sa kanya ang pagdisiplina sa sarili sa pagrereview para matupad niya ang kaniyang kahilingan na 1 take lang sa nasabing eksaminasyon.


Inaalay niya ang kaniyang pagigin engineer sa panginoon dahil sa pag-gabay sa journey niya at sa kaniyang magulang na full support hanggang sa makuha niya ang tagumpay.


Mensahe ni Importa sa mga kukuha ng Electrical Engineers Licensure Examination sa susunod na taon ay magtiwala sa sarili, magdasal at mag-aral ng mga basic fundamental concepts.