LEGAZPI CITY- Muling nakapagtala ng tagumpay ang isang Bicolano matapos maging topnotcher sa February 2025 Master Plumbers Licensure Examination.
Ayon kay Rowill Christian Rempillo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hindi niya inasahan na makukuha ang pinakamataas na grado sa naturang eksaminasyon.
Nakapagtala kasi ito ng 87.10% na passing rate.
Matatandaan na una ng naging topnotcher si Rempillo sa Mechanical Engineering Examination kaya ito na ang ika-lawang pagkakataon na makakuha siya ng lisensya.
Kwento nito na na-expose siya sa plumbing dahil sa kasalukuyan niyang trabaho kaya nagkaroon ng interes na mag-take ng eksaminasyon.
Katunayan, nahirapan umano siya dahil isinisingit lamang ang pagre-review sa bakanteng oras niya sa trabaho.
Ayon pa kay Rempillo na hindi niya ipinaalam sa pamilya na kukuha siya ng Master Plumbers Licensure Examination kaya nasurpresa ang mga ito ng malaman na nakapasa siya at nakuha ang pinakamataas na grado.
Samantala, pinayuhan naman nito ang iba pang mga naghahanda na mag-take ng eksaminasyon na hindi kinakailangan na maging pinaka matalino bagkus mas mahalaga ang pagkakaroon ng progreso at pagiging consistent sa pag-aaral.