LEGAZPI CITY- Nagpasalamat ang isang Bicolano congressman na may-akda ng Divoce Bill sa liderato ng Kamara matapos itong maipasa sa ikatlo at huling pagbasa.
Ayon kay Albay First District Representative Edcel Lagman sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na malaki rin ang pasasalamat niya sa libu-libong kababaihan na sumusuporta sa Absolute divorce bill.
Kaugnay nito ay umaasa ang mambabatas na bago pa matapos ang 19th Congress ay makakasama na ang Pilipinas sa mga bansa na nagli-legalize ng diborsyo.
Kinakailangan na lamang umano na maisalang na ang panukala sa pagdinig sa Senado.
Paliwanag nito na napapanahon na ang pagsasabatas ng panukala dahil sa kasalukuyan ay kulang na kulang umano ang modes of terminating marriage sa family code.
Sa ilalim umano ng annulment of marriage ay nakasaad ang voidable marriage tulad ng kawalan ng consent, kulang sa edad, pinuwersa at ilang pang dahilan habang sa divorce naman ay maaring masakop sa mga dahil ang marital abuse at marital infidelity.
Dagdag pa ni Lagman na ang divorce ay comprehensive, mas mura at mas mabilis ang proseso kumpara sa annulment.