LEGAZPI CITY- Ang pamilya ang itinuturing na inspirasyon ng Bicolano rank 5 sa August 2024 Psychometricians Licensure Examination.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Wilfredo Garinga Jr., sinabi nitong ang kaniyang asawa ang humikatay sa kaniya na mag-take ng naturang eksaminasyon at ito rin ang nag finance ng kaniyang pagre-review.
Kwento nito na taong 2012 pa siya nakapagtapos mula sa Ateneo de Naga University subalit agad na nakapagtrabaho kaya hindi agad nakapag exam.
Aminado ito na mahirap na pagsabayin ang pagtatrabaho, pagiging padre de pamilya at ang pag-aaral kaya hindi umano niya inasahan na mapapabilang siya sa rank 10 ng naturang eksaminasyon.
Ayon kay Garinga na isa sa mga naging sikreto niya ay ang paggawa ng time table upang ma-trace ang progress niya sa pagre-review at masukat ang lebel ng kaniyang paghahanda.
Nanindigan naman ito na kahit gaano pa katagal ang abutin ay hindi pa huli upang maabot ang minimithing tagumpay.
Hinikayat rin nito ang publiko na gamitin lamang ang kanilang mga skills at abilidad upang maabot ang kanilang mga pangarap.