LEGAZPI CITY- Patok ngayon ang mga Bicolano products na ibinibenta sa Embahada ng Jakarta,Indonesia.
Ayon kay Department of Trade and Industry Bicol Director Dindo Nabol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na noong magtungo siya sa naturang bansa noong Mayo 2023 ay nakausap niya si Ambassador Gina Jamoralin, na tubong lalawigan ng Sorsogon.
Aniya natalakay nila ang hinggil sa pagdi-display ng mga produkto mula sa Bicol region kaya agad na nagpadala ng mga samples ang tanggapan.
Nang mai-post ang mga ito ay dumagsa na umano ang mga inqueries sa mga produkto at nakita na maganda ang naturang istratehiya.
Paliwanag ng opisyal na ang pag-utelize ng mga opisina ng pamahalaan sa ibang bansa ay isa sa mga ligtas na paraan ng pag-promote ng mga lokal na produkto sa foreign market.
Kabilang sa mga ibinibentang produkto sa embahada sa Indonesia ay ang fashion bags, pili, health and lifestyle products, housewares at iba pa.
Kaugnay ng naturang tagumpay at plano ngayon ng Department of Trade and Industry Bicol na magpadala na rin ng mga kaparehong produkto sa embahada ng Pilipinas sa BeLgium.
Dagdag pa ni Nabol na ang naturang programa ay paraan upang ma-promote ang mga lokal na produkto sa potential importers. Kung magkakaroon aniya ng market ay magkakaroon ng produksyon na kalaunan ay magdadala ng hanapbuhay sa mga Bicolano.