LEGAZPI CITY – Isa pang Bicolana ang nakapag-uwi ng karangalan sa nagpapatuloy na 2024 Palarong Pambansa sa Cebu City.

Nasungkit ni Beatrize Maria Mabalay ang gold medal para sa swimming secondary girls.

Natapos ni Mabalay ang 100-meter breaststroke ng 1:15.95 minuto lamang.

Dahil dito, nakagawa rin ng rekord ang Bicolana swimmer para sa pinakamaikling oras na natapos sa kompetisyon.

Ito na ang pangalawang gold medal ni Mabalay na una ng nagkampiyon sa 50-meter breastroke.

Mula si Mabalay sa Bulan National High School sa lalawigan ng Sorsogon.