LEGAZPI CITY- Labis ang kasiyahan at pasasalamat ng isang Bicolana matapos masungkit ang Rank 1 sa September 2024 Social Worker Licensure Examination.

Si Sheena Mae Obispo ang tubong Daraga, Albay ang nakakuha ng pinaka mataas na score sa kakatapos palang na eksaminasyon kung saan nakakuha ito ng 87% rating.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Sheena, hindi umano naging madali ang kanyang mga pinagdaanan bago makuha ang nasabing tagumpay.

Hindi rin nito inaasahan na siya ang magiging Topnatcher sa nasabing eksaminasyon.

Aminado ito na nahirapan siya sa eksaminasyon at umasa na lamang na kahit makapasa lang ito sa naturang eksaminasyon.

Kwento ni Sheena na hanggang sa ngayon ay nagiging emosyunal pa rin ito kung saan ito ang kanyang first take matapos maggraduate noong hulyo 2024.

Nagdalawang-isip pa umano siya kung susubukang mag exam matapos malaman na sa Manila gaganapin ang naturang eksaminasyon pero labis ang suporta ng Bicol University sa kanya dahil sa tinulungan ito sa pagbiyahe papuntang Manila kung saan naging dahilan ng kanyang motibasyon para ipasa ang exam.

Proud naman ang kanyang mga magulang sa kanyang akomplisyemento bilang isang nakakatandang anak.