LEGAZPI CITY – Pumalo sa 40 ang naitala na panibagong kaso ng mga tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa Bicol region.
Sa huling datos ng DOH CHD-Bicol, umakyat na sa 749 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng sakit sa rehiyon habang 431 ang active cases.
Ito na ang pinakamataas na naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa Bicol sa loob lamang ng isang araw.
Sa naturang bilang 24 dito ang mula sa Albay (9 Legazpi City, 5 Ligao City, 6 Tabaco City, 3 Daraga, 1 Malilipot), pito sa Camarines Sur (5Tigaon, 1 Camaligan, 1 Magarao), apat sa Naga City, tatlo sa Catanduanes (1 Baras, 1 Virac, 1 Bato) at dalawa sa Sorsogon (1 Pilar, 1 Matnog).
Isa naman ang naiulat na nasawi mula sa lungsod ng Legazpi sa Albay na si Bicol#711, isang babae na unang nakaranas ng mga sintomas noong Agosto 1 at nagpakonsulta sa doktor noong Agosto 6, 2020.
Dahil dito, umakyat na sa 19 ang COVID-19 related deaths sa rehiyon.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang ahensya sa pamilyang naiwan ng pasyente.