LEGAZPI CITY – Nadagdagan pa ng 39 ang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa Bicol region.

Sa huling datos ng DOH CHD- Bicol, umabot na sa 551 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng sakit sa rehiyon habang nasa 293 ang active cases.

Ito na ang pinakamataas na naitalang bagong kaso ng nakakahawang sakit sa rehiyon sa loob ng isang araw.

Sa nasabing bilang, 13 dito ang mula sa Camarines Sur (1 Buhi, 5, Canaman, 3 Iriga City, 1 Lagonoy, 1 Minalabac, 2 Pili), siyam sa Naga City, 8 mula sa Albay (5 Legazpi City, 2 Daraga, 1 Tabaco City) at tatlo sa Sorsogon (1 Bulan, 1 GUbat, 1 Magallanes).

Isa naman ang naiulat na nasawi mula sa bayan ng Daraga sa Albay na si Bicol#520, isang 57-anyos na lalaki at na-admit sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) noong Agosto 1, 2020 matapos makaranas ng sintomas ng sakit.

Dahil dito, umakyat na sa 14 ang COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang ahensya sa pamilyang naiwan ng pasyente.

DOH Bicol COVID-19 Tracker, August 5, 2020