LEGAZPI CITY – Ibinida ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pagkakaroon ng mataas na fish production ng rehiyong Bicol sa unang bahagi ng taong 2024.
Ito ay sa kabila na nagkaroon ng 5% na pagbaba sa produksyon ng isda sa buong bansa ng naturang panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol spokesperson Rowena Briones, nagkaroon ng 10% na pagtaas ang volume ng fish production sa rehiyon kumpara noong nakaraang taon.
Ito ay dahil bumaba ang bilang ng mga ipinatupad na gale warning nitong unang bahagi ng taon kaya malayang nakapaglayag ang mga mangingisda sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.
Kabilang pa sa nakatulong ay ang mga ipinatupad na programa at intervention ng tanggapan tulad ng pamamahagi ng fishing boat at iba pang fishing paraphernalia.
Malaki ang naging tulong nito upang tuloy-tuloy na makapangisda na nagresulta sa pagdami ng huling isda.