LEGAZPI CITY- Patok ngayon ang ilang mga Bicolano products na ibinibenta sa ibang mga bansa kasunod ng naging expo sa Japan.
Itinampok ang ilang mga produkto na gawa sa abaca, woodbased products at iba pa.
Ayon kay Department of Trade and Industry Bicol Director Dindo Nabol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nasa 15 na Micro, Small and Medium Enterprises ang nakilahok sa naturang aktibidad kung saan nagkaroon ng P15 million na kita.
Sinabi ng opisyal na nag-iisa lamang ang Bicol region sa buong bansa na nakilahok sa aktibidad subalit ang booth ng rehiyon ang pinaka binisita ng mga dayuhan.
Kasunod ng aktibidad ay marami na umano ang nakikipag negosasyon na potential buyers mula sa Japan, China, at European countries.
Interesado ang mga ito sa pag-aangkat sa mga produkto ng rehiyon.
Sinabi ni Nabol na malaking bagay ito para sa trade business mission ng rehiyon na target na madala sa global market ang mga produkto ng Bicol upang matulungan ang mga Micro, Small and Medium Enterprises.