LEGAZPI CITY- Sumampa na sa 302 ang kabuuang bilang nagpositibo sa coronavirus disease sa Bicol.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol nitong Hulyo 22, nadagdagan ng 14 ang panibagong kaso kung saan lima ang mula sa Camarines Sur, lima sa Naga City, dalawa sa Albay at tig-isa sa Catanduanes at Sorsogon.
Inaalam pa sa ngayon ang history of exposure ng 22-anyos na babaeng registrar assistant mula sa Naga City matapos na unang makaramdam ng sintomas noong Hulyo at nagpakonsulta noong Hulyo 21.
Pawang nasa isolation facility na rin ang dalawang bank employees na nagpositibo sa Camaligan, Camarines Sur na isang 29-ayos na babaen at 26-anyos na lalaki.
Kasalukuyang naninirahan sa bayan ng Goa subalit sa Pili ang permanent address ng 34-anyos na lalaking seafarer na nabatid na bumiyahe sa Canada at Cebu, dumating noong Hulyo 6.
Dalawang pharmacy assistants pa ang nagpositibo sa pamamagitan ng 30-anyos na 30-anyos na babae sa Naga City na unang nakitaan ng sintomas noong Hulyo 15 at 28-anyos na babae mula sa Calabanga, Camarines Sur na Hulyo 8, 2020 pa nagkasakit.
Bumiyahe sa Pasig City ang 25-anyos na babaeng production aide ng Naga City, sa Tarlac naman mula ang 16-anyos na babae na residente ng kaparehong lungsod habang asymptomatic ang isa pang OFW na nagpositibo na 31-anyos na lalaki mula sa Dubai.
Panibagong dalawang kaso rin ang nadagdag sa Albay sa pamamagitan ng 73-anyos na lalaki mula sa Legazpi City at 21-anyos na babae mula sa Guinobatan na may travel history sa Pasig City.
Asymptomatic naman ang panibagong kaso sa Pilar, Sorsogon na 29-anyos na babae na production operator mula sa Sta. Rosa, Laguna, 28-ayos na lalaki sa Virac, Catanduanes na waiter at bumiyahe mula sa Dubai at 52-anyos na lalaki sa Tigaon, Camarines Sur na bumiyahe mula sa Quezon City.
Samantala, nasa 151 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol matapos na umabot na rin sa 143 ang recoveries habang walo naman ang nasawi sa COVID-19.