LEGAZPI CITY – Marami na ang nakahanay na mga aktibidad ng Bureau of Fire Protection Sorsogon para sa pag-obserba ng Fire Prevention Month sa Marso.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay FCInsp. Sarrena Tolarba, Caretaker ng Office of the Provincial Fire Marshal (OPFM) Sorsogon, may nasimulan ng mga aktibidad tulad ng fire square road show sa ilang lugar sa lalawigan.

Nagsagawa na rin ng information dissemination campaign at fire prevention awareness.

Kasabay din nito ang pagbibigay ng mga lectures sa mga paaralan at pagpapaigting ng Oplan Ligtas na Pamayanan.

Ayon kay Tolarba, sa bawat munisipyo ay magsasagawa ng pagbabandilyo ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection upang marami ang magkaroon ng kamalayan sa pag-iwas sa sunog.

Ikinatuwa rin nito na nabawasan na ang mga naitatalang sunog sa lalawign at umaasa na magtuloy-tuloy na ito.