LEGAZPI CITY – Nagpadala na ang Bureau of Fire Protection (BFP) Bicol ng rescue team na sasama sa mga tutulong sa mga naapektohan ng magnitude 7.8 na lindol sa bansang Turkey.


Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay FSSupt. Achilles Santiago ang chief ng Special Rescue Force ng BFP Bicol, anim na K9 units mula sa rehiyon ang sasama sa 50 men team na tutulak papuntang Turkey.


Naka-standby na sa ngayon ang rescue team sa headquarters ng BFP sa Manila at naghihintay na lang kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. bago bumiyahe.


Ayon kay Santiago, nahasa na mga trainings at may sapat na kasanayan ang team kung kaya inaasahang malaki ang maitutulong nito sa rescue operations sa naturang bansa.


Magtatagal ng tatlong linggo sa Turkey ang nasabing team at babalik sa Pilipinas sa Marso 6.