BFP Albay
BFP Albay

LEGAZPI CITY- Itinuturing ng mga lokal na opisyal sa lungsod ng Legazpi na matagumpay ang hosting ng halos isang linggong Palarong Bicol 2025.

Ayon kay Bureau of Fire Protection Albay Fire Marshal Fire Superintendent Jerickson Miraflor sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na malaki ang pasasalamat ng mga delegado sa maayos na pagbibigay atensyon sa mga sitwasyon sa buong durasyon ng aktibidad.

Matatandaan na ang naturang tanggapan ang nanguna sa paghahatid ng malinis na tubig sa mga billeting centers at pagbibigay ng first aid sa mga atleta.

Ayon sa opisyal na naging sapat naman ang suplay ng tubig sa naging pangangailangan ng mga atleta at coaches na mula pa sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyong Bicol

Dagdag pa ni Miraflor na malaking tulong rin ang inilatag na mga tauhan sa kada playing venue at quarters kaya naging madali ang pagresponde sa medikal na pangangailangan ng mga kalahok sa naturang sporting event.

Matatandaan na ang lalawigan ng Albay ang nanguna sa ranking at may pinakamaraming naiuwing gintong medalya sa katatapos pa lamang na Bicol meet.