LEGAZPI CITY – Patuloy ang ginagawang hakbang ng lokal na gobyerno ng Camalig upang maprotektahan ang karapatan ng bawat kababaihan at kabataan laban sa mga pang-aabuso.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Tim Florece ang tagapagsalita ng LGU Camalig, nakapagtala ang lokal na gobyerno ng 30 kaso ng Violation Against Women and Children (VAWC) sa kanilang bayan.

Mayroon rin na binabantayan na isang kaso ng Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC).

Kasabay sa mga naitala na kaso ang physical at psychological abuse, acts of lasciviousness, financial support, custody rights at iba pa.

Ikinokonsidera ng alarming ng nasabing LGU ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso sa kanilang bayan at kinakailangan na ng agarang tugon.

Patuloy din ang pakikipagtulungan ng Camalig LGU sa kapulisan at maging sa kanilang MSWDO upang maprotektahan at mabigyan ng tugon ang dinaranas ng mga biktima ng pang-aabuso.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng comprehensive 3-day training session ang Camalig na nakatutok sa gender-based violence, paglaban sa violence against women and their children, at online sexual abuse or exploitation of children.

Panawagan nila sa mga biktima ng ganitong mga pang-aabuso na huwag matakot at lumapit lang sa mga kinauukulan upang sila ay matulungan.