Napanatili pa ng bagyong Carina ang lakas nito na nasa 150 km/h at pagbugso na nasa 185 km/h.
Ang sentro ng naturang sama ng panahon ay nasa 335 km Northeast ng Basco, Batanes at kumikilos patungo sa North Northeastward sa bilis na 25 km/h.
Batay sa pinakahuling tala ng state weather bureau, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa Batanes.
Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 naman ang nakabandera sa Babuyan Islands, northern portion of mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Santa Ana, Gonzaga), at the northern portion ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Pagudpud, Dumalneg, Adams).
Kaugnay nito ay posibleng makaranas ng mga pag-ulan ang naturang mga lugar.