LEGAZPI CITY- Stranded ngayon ang ilang mga pasahero at rolling cargoes kaugnay ng nararanasang masamang panahon sa Bicol region.
Ayon kay Matnog port media relations officer Achilles Galindes sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na napilitan na bumalik sa Tabaco port ang isang barko na bumiyahe patungong lalawigan ng Catanduanes matapos itong hindi maka daong sa San Andres port.
Nagresulta ito sa pagkaka stranded ng nasa 175 na mga pasahero at 30 rolling cargoes.
Sa Bulan port naman ay nasa 53 na pasahero ang stranded kasabay pa ng tatlong rolling cargoes.
Samantala, sa iba pang mga pantalan sa rehiyon ay lifted na ang travel advisory subalit may ilang shipping lines umano ang nagpasya na huwag na munang bumiyahe upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
Sa kabila nito ay siniguro naman ni Galindes na maayos na napapamahalaan ang mga stranded na pasahero at nabibigyan naman ng tulong ang mga ito.
Aniya, may mga hot meals na ipinamamahagi upang masiguro na hindi magugutom ang mga ito hanggang sa makabalik sa normal ang biyahe.