LEGAZPI CITY – Nagpatupad ng liquor ban ang lokal na pamahalaan ng Baras, Catanduanes habang pinaigting rin ang kautusan sa pagsusuot ng face mask ng mga residente.

Nangangamba ang mga opisyal sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bayan kung saan umabot na ngayon sa 14 ang aktibo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Baras Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) chief Khalil Tapia, posible kasi umanong pag-umpisahan ng local transmission ang anumang pagtitipon at inuman.

Nililimatahan rin ang pag-inom sa loob ng bahay at magkakasama lamang sa iisang bubong.

Warning rin muna ngayon ang ginagawa subalit maaring ipursige ang kaso kung hindi pa rin makikinig sa abiso.

Nagpasimula ang kautusan nitong Mayo 26 at magtatapos sa Hunyo 9 o tatakbo sa loob ng dalawang linggo.