LEGAZPI CITY – Nagpapagaling na ngayon ang dalawang inibidwal matapos na pagtatagain ng inawat na lalaki sa bayan ng Caramoran sa Catanduanes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PCapt. Denver Romero, hepe ng Caramoran PNP, una rito ay nakikipagsagutan sa biyanan ang akusado na nasa ilalim ng impluwesya ng alak.
Dahil dito ay tumawag na ng mga awtoridad ang mga residente dahil sa umiinit na away.
Ayon kay Romero, pagdating mga tauhan ng barangay ay bigla na lang kumuha ng itak ang naturang lalaki saka pinagtataga ang dalawang umaawat na isang barangay tanod at residente.
Nagtamo ang tanod ng sugad sa balikat at ulo habang sugadan naman sa baro ang isa.
Agad namang dinala sa ospital ang mga biktima para sa karampatang medikal na atensyon.
Sinabi ni Romero na umamin naman ang akusado sa ginawang pananaga na dala lang aniya ng init ng ulo at alak.