LEGAZPI CITY- Ikinalungkot ng pamunuan ng Barangay Inarado sa bayan ng Daraga, Albay ang insidente ng pagkakabangga at pagkakakaladkad ng tren sa isang dalagita sa lugar.

Ayon kay Kapitan Roy Marco sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na matindi ang impact ng naturang insidente na dahilan ng halos pagkaka-gutay gutay ng katawan nito.

Nagpaabot naman ang opisyal ng pakikiramay sa naulilang pamilya ng biktima at nanawagan ito ng tulong sa nagluluksang pamilya.

Nanawagan rin si Marco sa publiko na maging sensitibo sa nararamdaman ng pamilya ng biktima at iwasan ang pagpapakalat ng mga impormasyon at lawaran bilang pagrespeto sa pinagdadaanan nito.

Samantala, matapos ang naturang aksidente ay nagpaalala ang opisyal sa mga naninirahan malapit sa riles ng tren na palaging maging alerto at mag-ingat.