LEGAZPI CITY- Nakaranas na ng mga pagbaha sa ilang bahagi ng Barangay Namantao sa bayan ng Daraga, Albay.

Ito ay dulot pa rin ng walang patid na mga pag-ulan dahil sa Tropical Strom Kristine.

Matatandaan na karaniwang umaapaw ang tubig sa naturang lugar tuwing nakakaranas ng malalakas na pag-ulan sa lalawigan.

Sa kasalukuyan ay passable pa naman ang naturang bahagi ng kalsada subalit pinag-iingat ang mga motorista upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang pangyayari.