LEGAZPI CITY-Nakakaeksperyensya ng pagbaha ng Barangay Kimatong sa Daraga Albay dahil sa mga basura at mga lupa sa mga kanal tuwing umuulan sa kumunidad.


Ayon kay Barangay Captain Ramon Paran Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, may pagbaha sa purok 1 at humupa pa pero hindi madaanan ng mga tao.


Dumadaan din aniya ang ibang sasakyan at sa ibang bahagi ng kanilang lugar nagkaroon din sila ng paglikas sa mga residente dahil sa panganib ng posibleng pagguho ng lupa.


Aniya, laging pinapayuhan ng kanilang mga tanggapan ang mga residente na maging alerto at maari din silang manatili sa barangay hall.


Sa mga nagdaang bagyo, aniya, walang landslide sa kanilang lugar at nakapagbigay sila ng tulong sa mga residente hinggil sa relief operations.


Patuloy din ang paalala ng opisyal sa mga residente na makinig sa mga payo at humihiling din ang kanilang tanggapan ng mga resolusyon hinggil sa flood control projects o pagpapalaki ng mga kanal na nais nilang mabigyan ng agarang aksyon.


Nagbabala rin ang Kapitan na huwag magtapon ng basura ang mga residente para maiwasan ang mga pagbaha.