LEGAZPI CITY- Iniimbestigahan na ng PNP kung ano ang posibleng motibo sa insidete ng pamamaril sa isang barangay kagawad sa Barangay Bariw, Libon, Albay.

Ayon sa Ligao City Police Station, nakatanggap umano ng report ang kanilang himpilan mula kay Punong Barangay Jonilito Taduran patungkol sa nangyaring pamamaril sa biktimang si Kagawad Dominador Oliveros 76 anyos.

Bandang alas 8 ng gabi habang nanonood ng telebisyon sa loob ng kanilang tahanan ang biktima ng biglang pumasok ang suspek at basta na lamang nitong pagbabarilin ang kagawad.

Agad na binawian nin buhay ang biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala habang mabilis na nakatakas papalayo ang suspek.

Sa ngayon, nakatutok na ang PNP sa naturang insidente habang inaalam na rin kung may koneksyon sa eleksyon ang motibo sa krimen.