LEGAZPI CITY- Patay ang isang barangay kagawad matapos na pagbabarilin sa Barangay Iraya, Guinobatan, Albay.

Kinilala ang biktima na si Kagawad Salvador PardiƱas alyas “Badoy”, 51 anyos na residente ng Barangay Maguiron.

Ayon kay Pol. Lt. Armando Revale ang tagapagsalita ng Guinobatan Municipal Police Station, nakaupo lang ang biktima sa isang bakery ng bigla itong lapitan at pagbabarilin ng isang lalaki.

Matapos ang insidente agad na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo.

Sinubukan pang itakbo sa ospital ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival dahil sa mga tinamong tama ng bala sa dibdib.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang posibleng motibo sa krimen.

Subalit pahirapan ang pagkilala sa suspek dahil nakasuot ito ng helmet at may face mask ng isagawa ang krimen.

Tiniyak naman ng Philippine National Police na tutotokan ang krimen at gagawin ang kanilang makakaya maibigay ang hustisya para sa biktima.