LEGAZPI CITY – Hindi naniniwala ang grupo ng mga masasaka na bababa ng 20% ang presyo ng bigas sa bansa sa buwan ng Setyembre

Kasunod ito ng pahayag ni Finace Secretary Ralph Recto na inaasahang tataas ang produksyon at posibleng pagbaba ng mga taripa na magreresulta rin sa pagbaba ng presyo ng bigas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, magiging posible ito kung palalakasin ng gobyerno ang suporta sa sektor ng agrikultura.

Kabilang na rito ang paglalaan ng mataas na pondo, pagtatayo ng mga post harvest facility, pagkakaroon ng sapat na irrigation at iba pa.

Subalit kung aasa lang aniya sa importasyon ay imposible itong mangyari kahit bumaba pa ang taripa dahil government-to-government na umano ang pag-angkat.

Ayon kay Estavillo, dapat sana ay noon pa mura na ang presyo ng bigas dahil matagal nang umaangkat ang bansa.