LEGAZPI CITY- Nilinaw ng Balud Municipal Police Station na nag-overthink lamang ang ilang mga kabataan na inakala na dudukutin sila ng isang van na napadaan sa kanila.
Matatandaan kasi na kumakalat ang impormasyon na mayroong insidente ng abduction sa naturang bayan.
Ayon kay Police Major Hadrian San Antonio, hepe ng Balud Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad at na-trace ang van na itinuturo ng mga kabataan.
Nakuan naman sa CCTV footage ang pangyayari kaya mabilis na nahanap ang naturang van.
Nadiskubre na isa pala itong UV Express na sinubukang mag-overtake sa mga kabataan.
Nag-menor umano ang naturang van dahil sa lubak sa kalsada kaya nagdulot ito ng pangamba sa mga estudyante na inakala na dudukutin sila.
Ayon sa hepe na nagdudulot ngayon ng pangamba sa publiko ang mga kumakalat na fake news sa social media kaya nanawagan ito na maging responsable sa pagpapalabas ng mga impormasyon.