LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng pagbaha at mudflow sa ilang bahagi ng Barangay Moning at Barangay Guinsaanan sa bayan ng Baras, Catanduanes.
Ito ay dulot na mga pag-ulan dahil sa epekto ng shearline.
Ayon sa abiso ng Baras Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na kinakailangan na mag-ingat ang mga motorista sa pagdaan sa lugar.
Aniya, mahihirapan na makadaan ang mga motorsiklo, tricycle at iba pang mga light vehicles dahil sa naturang mudflow at pagbaha.
Samantala, patuloy naman na nakabantay ang mga lokal na opisyal sa sitwasyon sa naturang bayan.










