Isa ng Super Typhoon si Bagyong Carina na dala ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 km/h at pagbugso na nasa 230 km/h.
Huling nakita ang sentro ng bagyo sa layong 380 km North ng Itbayat, Batanes.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 2 sa Batanes.
Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 naman sa Babuyan Islands, northern portion ng mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Santa Ana, Gonzaga), at northern portion ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Pagudpud, Dumalneg, Adams)
Inaasahang maglalandfall ang bagyo sa Taiwan ngayong gabi at bukas naman sa China.