LEGAZPI CITY – Mas lumakas pa ang bagyong Aghon at isa ng tropical storm habang nasa Tayabas Bay.
Huling nakita ang centro ng mata ng bagyo sa coastal waters ng Lucena City, Quezon.
Gumagalaw ito northwestward sa bilis na 10km/hr.
Taglay nito lakas ng hangin na umaabot sa 65km/hr malapit sa mata at pagbugso na 90km/hr.
Nakataas naman ang signal number 2 sa northern at central portions ng Quezon at Polillo Islands.
Habang signal number 1 naman sa southeastern portion ng Isabela, southern portion ng Quirino, southern portion ng Nueva Vizcaya, eastern at southern portions ng Nueva Ecija, Aurora, eastern portion ng Pampanga, Bulacan, Metro Manila, natitirang bahagi ng Quezon, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, northern portion ng Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, northern portion ng Albay at Burias Island.