The new provincial director of the Catanduanes Police Provincial Office, Police Colonel Elmer Cereno, has taken office.

LEGAZPI CITY – Umupo na sa pwesto ang bagong provincial director ng Catanduanes Police Provincial Office si Police Colonel Elmer Cereno.


Sinabi nito sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na naging maganda ang mga unang araw ng kaniyang pagpapatakbo ng opisina ng kapulisan sa provincia dahil ay naglibot libot na ito sa mga Local Government Units, mga Municipal Police Stations at iba pang opisina ng gobierno.


Aniya, bilang bagong provincial director gusto niyang maipatupad ang mga direktiba ni Presidente Bongbong Marcos at ni Philippine National Police Chief Nicholas Torre III na magdala ng magandang serbisyo sa mga mamamayan.


Pinalakas din nito ang police visibility sa mga munisipalidad sa pamamagitan ng pagbaba ng mga pulis na nasa administrative functions pagkatapos ng kanilang mga duty upang tulungan silang bantayan ang mga paaralan at pampublikong lugar sa oras ng rush hour.


Ayon sa opisyal, hindi na bago sa kanya ang trabaho dahil dati siyang chief of police ng Baquio City Police Office na isa ring mataong lugar kaya kailangan na lang niyang mag-adjust sa bagong environment.


Mainit din siyang tinanggap ni Catanduanes Governor Patrick Azanza at wala siyang ibang ibinigay na tagubilin kundi itigil at isawata ang lahat ng uri ng “I” o ilegal na aktibidad sa lalawigan.


Umaasa rin siya na maipapatupad ito at malapit nang mapabilang ang lalawigan sa listahan bilang drug cleared province hindi lamang sa rehiyon kundi maging sa buong bansa.


Nakita rin ni Cereno na ang hamon ng kanyang pamunuan ay ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa island province hindi lamang para sa mga mamamayan kundi para na rin sa kaligtasan ng kanilang gobernador na nauna nang nagpahayag na may banta sa kanyang buhay ilang araw matapos siyang maupo sa pwesto.


Nanawagan din siya sa publiko na makipagtulungan sa pulisya at pamahalaan sa pagpapatupad ng peace and order sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga programang pangkapakanan ng kanilang lalawigan.