LEGAZPI CITY- Masayang ibinahagi ni Rene Agao II, Acting Port Services Divion Manager ng Masbate Port,na mas handa ngayon ang kanilang pantalan para sa napipintong pagdagsa ng mga pasahero dahil sa nalalapit na semana santa.
Ito’y matapos na opisyal ng buksan ang bagong port operation building na na kayang ma-accomodate ang nasa 542 na mga pasahero.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Agao, nasa 100 capacity lamang ang kaya ng dating buiding kung kaya kaya’t malaking progreso na ang magkaroon ng nasabing bagong gusali.
Ayon pa sa opisyal, nasa ground floor ang waiting area nkun sain pwedesir na magtenir o kung saan pwedeng maghintay ang mga byahero samantalang sa panagalawang palapag naman umano ang kanilang opisina.
Mas magaganda umano ang mga pasilidad sa bagong building dahil mayroon itong station, breastfeeding area, CR para sa lahat ng gender at mga CR para sa mga Persons with Disabilities at senior citizens.
Samantala, maliban sa opisina, handa na rin umano ang pantalan sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan kung kaya’t asahan na rin ang presensya ng mga nagrorondang Port Police.
Nakaset-up na rin ang X-ray Machine para sa examination ng mga dalang bagahe ng mga pasahero.