LEGAZPI CITY – Binuksan na ang bagong command center ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa Old Albay District, Legazpi City.
Sa panayam ng Albay Public Safety and Emergency Management Office chief Dr. Cedric Daep, sinabi nito na tinawag ang bagong bukas na tanggapan bilang Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Operation Center Emergency Communication and Coordination Center.
Ito ang magsisilbing sentro sa pagrespunde ng mga tanggapan ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo, lindol, baha, landslide at iba pa.
Ayon kay Daep na mayroon itong mga kagamitan na kinakailangan para sa komuniskasyon at monitoring ng panahon.
Malaki umano ang maitutulong nito upang mapabilis ang koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan at agad na makakapagpadala ng mga tauhan sa mga lugar kung saan ito kinakailangan.
Mayroon din umanong museum kung saan idi-display at ipapakita sa publiko ang lumang mga ekipahe na dating ginagamit ng ahensya.
Layunin ng pagpapatayo ng pasilidad na mas maisaayos pa ang serbisyong naibibigay sa mga Albayano.