LEGAZPI CITY- Nasubukan na rin ng Commission on Elections Bicol ang bagong automated election machines na gagamitin sa halalan sa susunod na taon.
Ayon sa ahensya na compliant sa security features na hinihingi ng komisyon ang naturang mga makina.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Commission on Elections Bicol Director Atty. Ma. Juana Valeza, sinabi nito na dumaan ito sa masusing pag-aadal ng technical working group at muling isasailalim sa karagdagang reviews.
Dagdag pa ng opisyal na mas upgraded pa ang gagamiting mga makina kumpara sa nakapilas na halalan.
Nabatid na ang voter’s receipt ang na-scan na kaya madaling maikumpara sa resulta ng relection return.
Samantala, sinabi ni Valeza na isa pa sa pinaghahandaan ngayon ng komisyon ay ang isasagawang roadshows upang maipakita sa publiko ang bagkong makina na gagamitin sa 2025 elections.