Naramdaman ang magnitude 3.8 na lindol sa Davao Oriental kaninang alas-12:51 ng madaling araw.
May lalim itong 10 km at nasukat ang sentro ng pagyanig sa bayan ng Baganga.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na tectonic ang pinagmulan nito.
Kaugnay ng naturang lindol ay wala namang inaasahang anumang pinsala o aftershock.