Woman in Taguig arrested after beating 3-year old boy

Inaresto na ng mga otoridad ang isang 28-anyos na babae sa Taguig City matapos kumalat ang video ng pambu-bugbog nito sa isang 3-anyos na batang lalaki.

Makikita sa viral video ang walang awa na pagtadyak, pagsampal at tila pagsuntok ng suspek sa paslit.

Ayon sa pahayag ng Southern Police District (SPD), nakilala ang suspek na si alyas ‘Carla.’

Alas-12:30 ng madaling araw nitong Lunes ng makunan ng video ang suspek sa Barangay Western Bicutan na sinasaktan ang biktima matapos umanong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa nanay nito.

Na-rescue na rin ang 3-anyos na biktima at dinala sa pagamutan.

Sasampahan ang suspek ng paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.