Oil supply in Australia

LEGAZPI CITY- Nararamdaman na rin ngayon ng mga residente sa Australia ang pagtaas ng presyo ng langis na itinuturong sanhi ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Subalit ayon kay Bombo International News Correspondent Denmark Suede na nagpasya ang pamahalaan ng Australia na magpalabas ng nasa 100 million liters ng langis kada buwan para sa mga mamamayan ng naturang bansa.

Aminado kasi ito na kahit may pambili ay malaking problema pa rin kung walang mabibiling supply.

Nabatid na nag naturang bansa ay may oil production na nasa 400,000 barrels kada araw subalit malaki ang defecit dahil umaabot ng nasa 1.2 million barrels kada araw ang consumption nito ng langis.

Dagdag pa ni Suede na mayroon ring wind power at wave energy sa bansa subalit nasa 27% lamang ito at malaking porsyento pa rin ang mula sa coal power plants.

Samantala, isinasapinal na rin ng Australia kung ilang bariles ng fuel reserve ang ipapalabas sa world market matapos magkasundo ang 32 na mga bansa na kasapi ng International Energy Agency na magpalabas ng 400 million na bariles ng langis.