LEGAZPI CITY- Kapanapanabik para sa ilang mga Pilipino ang magiging pagsalubong ng taong 2026 sa Australia dahil mayroon itong siyam na time zones.
Nangangahulugan lamang ito na siyam na ulit ring sasalubungin ang bagong taon sa naturang bansa.
Ayon kay Bombo International Correspondent Denmark Suede na kabilang sa mauuna ang Sydney at Melbourne sa pagsalubong sa bagong taon na katapat ng alas-9 ng gabi oras sa Pilipinas.
Ang itinuturing naman na Christmas island na teritoryong malapit sa Indonesia ay sasalubong sa taong 2026, isang oras matapos ang pagsalubong ng Pilipinas.
Dagdag pa nito na naglaan ang pamahalaan ng Sydney ng hanggang 7 million Australian dollars para sa mga fireworks displays.
Nabatid na nasa siyam na tonelada ng fireworks ang inihanda sa naturang lugar.
Paliwanag ni Suede na ginagastusan ito ng pamahalaan upang matulungan na mabuhay ang mga negosyo at turismo sa bansa.











