Tila ayaw ng patulan ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y mapanlinlang na mga pahayag ng China Coast Guard.
Ito ay kaugnay ng akusasyon ng Beijing na nagsagawa umano ng mapanganib na pagmamaneobra ang barko ng Pilipinas na dahilan ng panibagong collision sa Ayungin shoal.
Sa ipinalabas na pahayag ng AFP, nanindigan itong ang iligal na presensya at aksyon ng China sa exclusive economic zone ng Pilipinas ang dahilan ng patuloy na nagpapalala sa tensyon sa rehiyon.
Matatandaan na pilit na binabaliktad ng China ang ilang mga sitwasyon sa lugar upang mas maging maganda ang imahe ng Beijing sa international Community.
Samantala, una na ring nanindigan ang Pilipinas na hindi isusuko ang soberanya at anumang bahagi ng teritoryo ng bansa.