poor air quality

LEGAZPI CITY- Pinayuhan ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa mga Albayano na magsuot ng face mask matapos ang haze na dulot ng patuloy na wildfires sa kagubatan sa Indonesia.

Ito ay dahil nananaig ang Southwest Monsoon na nagdadala ng haze sa bansa.

Ayon kay APSEMO Head Bobby Cristobal sa panayam sa Bombo Radyo Legazpi, naapektuhan nito ang kalidad ng hangin sa Albay kung saan ito ay kasalukuyang nasa katamtamang antas dahil sa epekto ng haze.

Patuloy na sinusubaybayan ng ahensya ang mga ito at nakapamigay na rin ng mga face mask katuwang ang Office of the Civil Defense.

Pinapayuhan din ang lahat na maging mapagmatyag at magsuot ng face mask kung sakaling lumabas dahil sa mababang kalidad ng hangin.

Ang haze ay ang pagkakaroon ng maliliit na particles sa hangin dahil sa sunog sa kagubatan sa Indonesia at sa gayon ay nakaapekto sa kalidad ng hangin.

Handa rin ang ahensya na tumulong kung sakaling may maapektuhan na mga indibidwal.