LEGAZPI CITY-Nagsagawa ang Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) kasama ang Provincial Engineers Office ng Camalig Albay ay nagsagawa ng 3rd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection Albay.
Ayon kay Albay Provincial Fire Marshal Fire Superintendent Jerickson P. Miraflor, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, pinangunahan nila ang nasabing aktibidad kung saan naka-duty sila kasama ang mga empleyado at iba pang kalahok.
Nagsagawa din ng drill kung saan nagkaroon ng partisipasyon kung ano ang dapat nilang gawin sakaling magkaroon ng sakuna.
Nagkaroon rin ng mga demonstrasyon at pagsasanay kung saan ipinakita ang nasugatan o nakulong sa loob ng gusali at siniguro ang paghahanda para sa paunang lunas at transportasyon.
Dagdag pa ni Miraflor, sa senaryo ng sunog at lindol, tinitiyak din na tutugon ang pinakamalapit na istasyon ng bumbero bilang pakikilahok sa national earthquake drill.
Kasama rin sa partisipasyon ang mga empleyado ng bawat tanggapan kung saan sila ay nagsasagawa ng mga kinakailangang aksyon sakaling magkaroon ng sakuna sa bayan.
Adhikain aniya ng mga aktibidad na ito na matiyak na wasto ang mga ito at malaman ang kanilang mga gagawin sakaling magkaroon ng kalamidad.
Malaking tulong din aniya ang espertise ng ahensya para magsibling gabay sa publiko at maging tama ang kanilang paghahanda, paglikas, hindi lamang sa mga ganitong aktibidad kundi sa ibang pang sitwasyon.