LEGAZPI CITY – Nakabalik na sa lalawigan ang walong linemen ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) na ipinadala sa Bohol upang tumulong sa restoration efforts ng mga napinsalang linya at poste ng kuryente sa pananalasa ng Bagyong Odette.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay APEC spokesperson Patria Gutierrez, gabi ng Enero 26 nang dumating ang crew matapos ang matagumpay na trabaho.
Nagpasalamat naman si Gutierrez na pawang nasa maayos na kondisyon ang mga ito.
Subalit bilang bahagi ng protocol, kailangan munang sumailalim sa pitong araw na quarantine upang matiyak na ligtas na uuwi sa mga pamilya ang mga ito.
Nagpahayag naman ng appreciation ang Bohol government sa tulong ng mga ito.
Sinabi pa ni Gutierrez na kagaya ng ginawa ng mga linemen mula sa ibang lalawigan kung may kalamidad na nananalasa sa Bicol, ibinabalik din lang nila ang pabor.