LEGAZPI CITY- Inanunsyo ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) ang termination ng credit guarantee para makabili ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at San Miguel Electric Coop (SMEC).
Ayon kay APEC General Manager COO Apo Alvarez, mula September 4, 2022, hindi na magbibigay ng credit guarantee para makabili sa WESM ast SMEC sa ilalim ng Albay Electric Cooperative (ALECO).
Ito ang naging reakyon ng APEC sa naging resulta ng Special General Membership Assembly nitong September 3, kung saan nakansela ang concession agreement nila sa ALECO.
Panawagan ng Alvarez, mareimburse o mabayaran ang lahat ng inadvance at ininvest ng APEC para maipagpatuloy ang serbisyo nito sa probinsya.
Maliban rito nanawagan na rin ang APEC sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP) na maibalik sa loob ng tatlong araw ang prudential guarantees na ibinigay ng APEC sa ALECO para sa WESM.
Dahil dito, direkta nang bibili ng kuryente ang ALECO sa WESM na isusupply sa buong probinsya.
Samantala, nagbabala ang opisyal sa lahat ng consumers sa Albay na posibleng magkaroon ng power blackout kung hindi mababayaran sa tamang oras ang kinunsumong power supply.
Binigyang-diin pa ni Alvarez na kung magpapatuloy ang mga pasaway na mga konsumer na patuloy na nagnanakaw ng kuryente, at kung kulangin sa pambayad, lahat umanong mga Albayano ang madadamay.