LEGAZPI CITY- Sugatan ang apat na indibidwal matapos mahangga at makaladkad ng truck ang isang tricycle sa Barangay Poso, Donsol, Sorsogon.

Ayon kay Donsol Municipal Disaster Risk Reduction and Management office head Bryan Garrido sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagkaroon ng mechanidal failure ang naturang truck at nawalan ng kontrol ang driver saka nabangga ang tricycle at nakaladkad patungo sa isang tindahan.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang driver ng tricycle at talong bystanders na nasa tindahan, na agad naman na nalapatan ng lunas at naitakbo sa pagamutan.

Halos nayupi naman ang sidecar ng tricycle dahil sa lakas ng impact ng aksidente.

Hindi naman malinaw sa ngayon kung ano ang napagkasunduang ng driver ng truck at ng mga biktima.

Kaugnay nito ay pinayuhan naman ng opisyal ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho dahil nabatid na halos tatlong road accidents kada linggo ang karaniwang naitatala sa bayan.

Karaniwang dahilan nito ang mga nakainom na driver at mga stray animals.