LEGAZPI CITY – Isinasailalim sa masusing pagsisiyasat ng kapulisan ang insidente ng pagsabog ng dinamita sa Sitio Ipil, Brgy Buyo, Claveria, Masbate.
Nagresulta ito sa pagkamatay ng apat na indibidwal na kinilalang sina Ryan Maǹapao, 30; Eddie Maloloy-on Jr, 20; Jonathan Lape, 41 at Roque Mar Guazon, 19 na pawang mga mangingisda.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Legazpi mula sa Masbate Police Provincial Office, mismong ang kapitan ng barangay ang nagpaabot ng pangyayari.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nasa proseso ng paggawa ng mga dinamita ang mga ito para sa pangingisda ng mangyari ang pagsabog.
Nabatid na gumagamit ang mga ito ng kemikal na ammonium nitrate at blasting caps sa tahanan ni Maloloy-on.
Nagbabala naman ang mga otoridad sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng dinamita sa pangingisda.
Hindi lang aniya pinsala sa natural resources ang hatid nito kundi maging ang banta sa buhay ng tao.