LEGAZPI CITY – Ilang pagyanig ang naitala sa magkakahiwalay na lugar sa Bicol sa mga nakalipas na oras.
Batay sa earthquake bulletins na inilabas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-9:44 kagabi naitala ang Magnitude 3.5 na lindol sa layong 131 kilometro sa Hilagang-Silangan ng Pandan Catanduanes.
May lalim na 113 kilometro ang naturang pagyanig.
Nasundan ito dakong alas-10:35 kagabi ng Magnitude 3.2 na lindol sa layong 136km Hilagang-Silangan ng kaparehong bayan.
Natukoy ang pagyanig sa lalim na 123 km.
Dakong alas-11:49 kagabi, nakapagtala ng isang Magnitude 2.6 na pagyanig sa layong tatlong kilometro sa Hilagang-Silangan ng Vinzons, Camarines Norte sa lalim na 237 km.
Kaninang madaling-araw naman dakong alas-3:24 nang matukoy ang Magnitude 1.7 na lindol na sentro ang apat na kilometrong layo ng Hilagang-Kanluran ng Tinambac, Camarines Sur.
Nasa 19 na kilometro ang lalim nito habang pawang tectonic ang pinagmulan ng mga naturang pagyanig.
Samantala, wala namang inaasahang pinsalao aftershocks kasunod ng mga naitalang pagyanig.