LEGAZPI CITY- Kinondena ng isang animal rights group ang panibagong insidente ng animal cruelty na naitala sa Barangay Anislag sa bayan ng Daraga, Albay.
Ayon kay Tabaco Animal Rescue and Adaption head volunteer Ednalyn Cristo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na tinanggal ng hindi na pinangalanan na suspek ang ari ng alagang aso ng kapitbahay nito.
Aminado an opisyal na natatakot ang may-ari ng naturanga so na magsampa ng reklamo dahil sinasabing mayroong posisyon sa komunidad ang suspek.
Nabatid na nagbabala pa ang suspek na isusunod ang isa pang alaga ng may-ari ng naturang aso.
Sa kabila ng takot ng fur parent na maghain ng legal na aksyon, nagpahayag naman ang grupo ng suporta upang mapanagot ang suspek.
Ayon pa kay Cristo na ginagamot na ngayon ang naturang aso sa tinamo nitong injury lalo pa at hindi umano ito makakain dahil sa nangyari.