LEGAZPI CITY- Umaasa ang Animal Rescue and Adoption na magkakaroon ng malaking impact sa publiko ang issue may kinalaman sa pagtapon ng pusa ng isang suspek sa dagat ng Sto. Domingo, Albay.
Kung babalikan, nagviral ang isang video na pinost ng menor de edad na suspek matapos nitong itapon ang pusa sa dagat ng Sto. Domingo sa Albay.
Agad naman na nadakip ang suspek kasama na ang nagvideo at dinala sa Department of Social Welfare and Development para sa kaukulang disposiyon.
Ayon kay Ednalyn Cristo ang head volunter ng Tabaco Animal Rescue and Adoption sa panayam ng Bombo radyo Legazpi, agad silang pimunta sa himpilan ng pulisya para ireport ang nasabing insidente.
Nagpasalamat naman ito dahil sa mabilis na aksyon ng alkalde ng naturang bayan maging ang mga kapulisan.
Samantala, hindi naman nito napigilan na manggigil sa mga suspek bilang isang fur parent at rescue volunteer.
Hiling nito na maging mas lalong lumawak pa ang education campaign hinggil sa animal welfare at pinapalita umano nito na seryoso ang bansa sa batas tungkol sa pag-aalaga ng mga hayop.